Sa simula’y kayhirap mong mahagilap
Tila ka isang pabango sa tuwina ko’y nalalanghap
Ni hindi pinagpalang makita
Bahagyang anyo’y namuo sa aking dalita
Habang lumilipas ang panahon
Unti-unting nahihinuha hanggang sa maglaon
Natuklasang puso sayo’y namamangha
At tila ba’y hikbi nito’y iyong tawa
Mabilis itong dumaan
Bigla na lamang nagising
Ikaw, sa puso ko’y nakasulsi
Maraming araw ang nagdaan,
Laging hangad ika’y aking mamataan,
Maraming pagkakataon ang lumipas,
Sadya ngang tibok sayo’y nakakumpas
Di mo’ko pinapansin
Lahat na ata’y tinangkang gawin
‘ba’t ba siya na lang lagi?
Kahit ako naman ang iyong nasasagi?
Lumilipas ang panahon
Nararamdaman sayo’y muling umaahon
Sapat nang mga titig mo,
Higit na ang tinig mo
Tangan mo na ang puso ko
Wag lang ang inspirasyon ko
Hayaang lihim kitang pagmasdan
Pag’di ka niya sinusundan
‘kala ko, masakit ang umibig nang di iniibig
Umiiyak sa bawat pananabik
Yun pala’y ang makisalo sa mahal ng kaibigan
Nagdurugo sa tuwing ka’y hinahagkan
Mahal kita!
Pagkat kaw katuparan ng buhay ko!
Pero hamak na mas mahal ko siya!
Ang KAIBIGAN na siyang buhay ko!
No comments:
Post a Comment